Tuesday; November 27, 2007
Wow... Grabe... I never thought that I'll be... no! "We" pala... be that happy after the event. Well... so much things have happened but I think it was worthwhile. Naisip ko din, If ever one of the "not-so-important" thing didn't happen, we wouldn't end up like this. Hay... ok... ito lang naman ang mga nangyari sa'kin nung 1st day...
I was in school at around 8am, ang usapan kasi, dapat before the opening, magppractice kami for the last time. Oh well... yung iba wala... GRABEH!! We're waiting for them for almost 2hours. Ayun. Dumating naman, kaso lang, a second before the opening. Well... at least dumating. Then the program starts. To make the story short, the opening ended well -- hindi umulan, wala naman gaanong technical problems, ganda ng speech ni Sir AR (Genius is 1% inspiration and 99% perspiration), and ang galing -galing ni Ate COMP02 classmate kumanta (what a shame, classmate ko pa naman siya... T.T). Oo nga pala, pinakita na din yung mga kasama sa Mutya at Ginoong AMA. Hahaha!! Si Chris oh! Waah! Ang liit niya. Hahahaha!! Ayos ah... sa likod naman namin ang sigaw eh "Hazel!!". Ayun, si Hazel de la Cruz. Nakita ko siya once nung Audition ng OPM Contest. I got a chance to talk with her. She's nice naman. Oh, si Carol Enriquez... yung 1st runner-up sa Muse nung nakaraang AMA campus competition. Wow... may ibubuga. Nakakatuwa lang siya magsalita nun, ang arte ng pagsalita. Oh well... Tapos sumayaw din yung Dance Icons... D.I. for short... wow!! Si CSCI02 classmate at yung nag-audition para sa Videoke Challenge andun. Galing. At nasa unahan pa!! Amp... amporma niya... pati yung isa yun. Ate Yorkee ba yun... whatever... basta... ang galing sumayaw... at magdala ng damit. IDOL!! Bottom line is... magaling sila. Hahahaha!! Ayun, after the opening, kanya-kanyang destino ang mga estudyante... kami naman nagbalak na magpractice. Okay... pero saan? Kina Ren... Sige sige! Sa Salitran tyo? Kina Regine nalang... Ano ka ba naman Flor? Ayun, hanggang sa nakasakay sa jeep, blah blah blah... hanggang sa nakapunta sa Area G... sa Barangay Hall (tumunganga lang naman)... Wala din namang nangyari. Nasayang ang 20php ko. OMG!! Hindi na naman din kami nakapagpractice eh di tambay nalang kami sa canteen. Tapos gala sa school, tumingin sa mga Artworks dun sa Art Exhibit... tapos balik canteen. Naisip ko pala... yung ipapaprink ko!! Wala na akong pera!! Shit! Oist Tere, pwede ba umuwi? Ahm Erik, uwi muna ako. Ah, okay sige, balik ka ah? Sakay ng jeep papuntang Monterey, sakay ulit ng jeep papuntang Brooke 1... Mama!! San kayo papunta? Kina Katherine... Ma, penge ng pera, may papaprint ako...Blah Blah Blah!! Ayun, hanggang sa binigyan ako ng 200php at lumarga na ako. Sakay ng jeep papuntang Monterey, sakay ng bus papuntang Dasma Hi-way. Lakad... lakad lang sige... grabeh nakakapagod yun. Tapos sabay umaambon pa. Punta sa Printing Shop. Kuya, paprint po nito. Patingin nga po kuya. Ilang pages po ba yan? 13. So, 39php po? Sige kuya paprint na po. Ito na po bayad. Thank you po kuya. Okay, nagpunta na ako sa school pagkatapos magpaprint. Naisip ko, nakaw! Baka wala na sila sa canten. Waaah! Takbo ako talaga. Hay salamat nalang andun pa sina Jerome. Jhe, san yung iba? Nasa Library. 'lika punta tayo. Geh. Oo nga pala naulan, dun na sila nagmisa, naisip ko. Ayun, no choice eh, attend nalang din ako kahit hindi ako Katoliko. Pagkatapos ng misa, ayan na!! Patay, ayan na yung Dance Clash!! Waaah! Tambay ng konti sa hallway, tapos punta na sa CR. Nagprepare na kami dun... bihis, konting ayos... 'yan! keri na! game!! To tell you the truth, it's my first time to wear leggings and mini skirt in school. Kakahiya naman, sabi ko sa sarili ko... pero ok lang naman daw sa'kin yung suot, sabi nila. Nabuhayan ako ng konti. Okay, sa wakas! ready na kaming lahat. Sabay-sabay na kami nagpunta sa library. Sa isip-isip ko... grabe naman ang lakas ng loob ko... hindi ko ito forte eh... although I know how to dance, but I'm not good at it! Mrs. Jurado, give us strength!! Hahahaha!! We're the 4th group to perform, kaso, SHIT!! Nagkaroon ng problema yung 2nd group. WAAAH!! Now we're 3rd. Pagkatapos ng 2nd, kami na!! WAAAAH!! Where's my mommy na ang drama. Parang gusto ko na mag-back out. Tutal, andoon na kami, galingan nalang namin ang pagsayaw. Kahit hindi kami manalo, oh well... hindi naman namin inaasahan na mananalo pa kami dun. Hello?!! Narinig ko na yung Sway... okay, focus sa sayaw. Wala naman naging problema sa mga ikot at sa pagbuhat. Hiyawan pa nga ang mga tao dun. SHIT!! Si Jurado nasa harapan, pero mukha namang okay. Sige tuloy lang... Taba-tbachingching... hiyawan ulit ang mga tao. This is great, mukhang nagustuhan naman nila ang performance namin. Mataba naman ang puso ko... Where's the beat?!! Wow!! Renegade Master na!! I gotta watch this. To my surprise, wow!! ganado silang lahat sumayaw. Amp naman si Edgar, parang tanga. Pero dun sa parang chorus ng song eh sabay sabay naman sila. Palakpakan. Kembot na susunod. Sige i-kembot. Sayaw lang ng sayaw.... hanggang sa matapos namin. Phew!! Natapos din. Hanggang sa natapos yung mga iba. May intermission number pa pala yung Dance Icons. Wow!! Sila ulit... waaah!! Yung si Ate na magaling sumayaw at magdala ng damit andun din. Galing talaga... Tapos, ayan na... ang results ng mga nanalo sa Dance Clash 2007... 2nd place is... palakpakan sila... 1st place is... palakpakan ulit. Kala pa nga namun kami yun eh, kasi "C" din ang dulo... okay, EC. Lord, sana manalo kami... sana manalo kami... sana... sana... AC. ~~silence~~ AC ba daw? Champion? Gulat na gulat kami nun. Waaah!! Kami nga!! Yehey!! Kami ang champion!! Akalain mo yun?! Tuwang-tuwa kami nun!! Ang trophy at ang cash prize!! Hahahahaha!! My Greatest Achievement so far... Grabe nun papicture pa kami na kasama ng trophy. Wow!! I can't even imagine......
Oh well, that ends the 1st day of the Foundation Week. Grabe super saya ko pa hanggang ngayon at hindi ko pa lubusang maisip na nangyari yun.
-tapos :D
Wednesday, November 28, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment