Friday, November 30, 2007

FoundationWeek :: AMA Cavite Campus :: 3rd day

Amp... late na ako sa usapang meeting time namin. Hahaha!! Bahala na... mamaya pa siguro kami sasayaw eh. Check ko nga cell ko kung may text sila... Wala naman. Sige at pakabababad muna ako sa pc. Aha! I-type ko na kaya yung mga nangyari nung 1st day ng Foundation Week? Hahahaha...


Waaaaah!! Past 8am na!! Hindi pa ako nakakaligo!! Dali... nakaw naman. Wala talaga sa isip ko nung araw na yun ang magsipag. Nakakatamad ba naman pumasok kasi naulan. Sa tingin ko mas masarap pang matulog. Hahahaha...

Oh well... since it's raining, my mom forced me to bring my umbrella along. Hay naku... pag naman nawala na ang ulan dadalhin ko lang 'tong payong. Pampabigat pa ng gamit. Sabagay... kaysa naman maulanan. Hahahaha!! Okay... I arrived in school at around 10am. Nakita ko pa nga si Gerald while on the way. Ui, Gerald. Ui din siya... usap lang kami hanggang makapunta kami sa 2nd floor ng building. Daneika, you need to buy these bingo cards... W-what?! Hello?! Are you kidding?! Nakaw naman... ang Jurado nga naman. Sinimulan ang araw ko ng masama. Aba'y sapilitan akong pinapabili ng mga bingo cards. Hahahaha... para namang marunong ako mag-bingo noh. Balik ako sa baba. Hay... tapos i checked Ma'am if she was looking... okay... the coast is clear. Takbo paakyat!!! Nakaw naman... at tinawag ako ni Ma'am at ni Robin. Lang'ya naman oh... ayoko bumili ng bingo cards eh. Oh well, those bingo cards they sell are 10php per 3 cards. No choice eh... baba ako. Tapos takbo papuntang CR. Hahahaha!! Andun pala sila Elaine at Kuya Jp. Pinapabili din pala si Elaine ng mga bingo cards. Hahahaha!! Hanggang sa napilitan kaming dalaw na bumili. No choice talaga eh... kailangan para maka-sign ng attendance. Hello?! Binibili na pala ngayon ang attendance... o ang sabihin mo lang konti ang bumili ng mga bingo cards at kailangan niyo ng fund para ma-meet niyo yung mga prizes na kailangan niyo para sa bingo. Hahahahaha!! Ayun, pagkatapos baba kami. Punta sa canteen. Tambay. Basa ng book. Tapos saka yayaan na kung saan magpapalipas-oras. Dun daw kina Florentino. Sabi naman ng iba kina Regine nalang. Ayun. Sakay ng jeep papunta kina Regine. Tambay doon. Sabay nakigamit ng pc. Inom ng juice. Tapos alis din namn pagkatapos. Badtrip talaga yung ulan. Tapos amoy aso pa sa harap ng bahay nila. Badtrip na mga aso yan. Pumara agad kami ng jeep. Ui! Si Sir Nino pala yun. Hahahahaha!! Hello po Sir. Saan kayo galing? Hehehehe. Ayun. Sakay kami papuntang kanto ng Kadiwa tapos baba ulit sakay ng jeep papuntang AMA. Nakaw naman si Sir... ambait. Nilibre na niya yung mapasahe namin. Hahahaha!! Si Julian nagbayad kagad yan tuloy hindi nalibre ni Sir. Hoy, 6php din yun. Hahahaha!! Naisip ko pala... hindi pa ako nakakapaglunch. Patay ako nito. Ui... niyaya ni Sir Nino maka-duet si Regine for the finals ng Celebrity Duets. Pakipot pa si Regine nun. Oh well... Hanggang sa makababa ng AMA. Badtrip talaga ang ulan. Pagdating sa school... start na pala ng bingo. Punta daw kami sa room ng Nursing. Si Sir Yan at Ma'am Jurado andoon. Nakaw naman. May tatlong games dun. 1st and 2nd game ang cash prize is 200php, tapos yung sa 3rd game is 4oophp. Okay, let the game begin, sabi ni Jurado. Unang nag ala-emcee si Sir Yan dun sa mga kinukuhang number. Tingin sa card... kuha ng number... shade ng number pag meron sa card... pag wala... sorry nalang... hanggang sa... ui! May nanalo na pala sa 1st game. Chineck ni Sir Yan yung mga numbers. Aba! Nanalo nga. Waaah!! Gulat ako nun, si Ate, yung nagbebenta ng cards yung nanalo. Hmm... I smell something fishy ah. Hahahaha!! Ayun. So, proceed to game 2. Ganun parin... tingin sa card... kuha ng number... shade ng number pag meron sa card... pag wala... sorry nalang.... hanggang sa may nanalo na ulit. Chineck ulit ni Sir Yan... panalo nga. Hay naku... dapat kasi hindi na ako bumili ng mga cards eh. Hindi naman talaga ako marunong maglaro nito. Okay, game 3 na kami. Nakaw naman, si Ma'am pa!! Bakit siya pa?! Si Sir Yan nalang... Okay na nga si Sir Yan eh. pero bago magstart ang game 3, binenta pa sa'min for the last time yung mga natirang bingo cards. Para daw tumaas yung cash prize. Ayaw ko nga. Hahahaha!! May mga ibang bumili. Okay, pagkatapos nun... let the game begin ulit. Ayun, ang game 3 naging parang Sermon on the Mount. Grabe daming dada ni Ma'am. Nahihilo na ako nun ng konti. Shit! Nakalimutan ko hindi pa ako nanananghalian nun. Badtrip. Eh crowded pa sa room. Baka ako mamutla at mahimatay nito. Konti nalang... tinapos ko nalang yung bingo hanggang sa isang number nalang yung kina Elaine, Regine, Angelica, at Florentino. Sayang!! May nanalo na pala!! Chineck yung mga numbers... nanalo nga. Sayang talaga yung isang number nilang apat. Anyway, bingo is all about luck naman. Hehehe!! After ng game, we're on our seperate ways. Paakyat na sana ako nung naisipan kong magpunta kina Elaine at Amira sa shed. Usap-usap tapos napansin ni Amira na matamlay na ako. Ayun, sinamahan nila ako kumain. Hehehe... ang mg loka... hinihintay pala si Chris. Oo nga pala noh, ngayon na yung Coronation ng Mutya at Ginoong AMA. Wala pa si Chris nun. Usap-usap lang. Nakaw!! Mas wild pa sa'kin itong dalawang ito. Astig kasama pala 'tong mga 'to. Dami ding mga trip. Hehehe... Ayun. Tapos hanggang sa dumating si Chris. Hehehehe!! Una hindi muna namin siya pinansin. Hehehe... hindi nakatiis si Elaine. Ayun, naghahanap pala ang Chris ng pin. Eh wala naman sa'ming may pin. Sabay layas ang loko para maghanap ng pin. Ayun. Balik naman kaming tatlo sa school. Nakita ko si Erik. Sabi daw niya hindi makaka-attend si Jerome. Ha?! May deduction daw sa points pag hindi siya umattend? Pa'no na yung mokong na yun? Hay......

Mala-reunion ang section AC nun. Hehehe... sabay tambay sa Mezzanine. Tagal kasi magstart ng program. Hindi nagtagal umuwi na sila Elaine at Amira, actually nauna si Amira bago si Elaine. Hay salamat dumating din ang Jerome. Sa wakas... hindi na kami kulang. Hahahaha!! Ayun. Tagal pa namin naghintay. Actually nauna pa kami sa iba. Tapos nung sinabing pwede na pumasok eh pagdating namin... closed na po bawal na pumasok. W-what?! Amp naman oh.........

Dun tuloy kami sa labas naupo. Ginawa na namin lahat para makasingit sa loob. Waaaah!! Ayaw talaga nila. Sinabi na din namin na sasayaw kami sa program hindi pa rin umubra. Boohoo T_T Wala din kaming nagawa. Tambay nalang sa labas. Buti nalang andun si Edgar, at least hindi boring. Daming jokes ng emo kid na yun. Hahahaha!! Tawanan kami dun... Hanggang sa tinawag na kami. Shit!! Badtrip ang entrance. Pero bahala na nga... Pagdating sa stage... Nakakasilaw ang mga ilaw. Tumugtog na yung 'sway'. Tapos biglang nagstop.... ha?! Anung nangyari dun? Tumugtog ulit... mas malakas keysa kanina... Tapos biglang nagstop ulit... anu na naman? Mga ilang beses din nangyari yun. Hanggang sa tumuloy-tuloy na yung music. Sige sayaw lang kahit masakit sa mata yung mga ilaw. Tapos may usok effect pa. Nakaw naman. Tulad nung nangyari last time... hiyawan ang madla. Hanggang sa matapos namin yung sayaw. Palakpakan. Sabi ng emcee... so that's what we call 'rare talent'. Hahahaha!! Rare talent kamo... hope you don't mind but this isn't my forte... I'm into singing eh. Hahahaha!! Anyway, masaya na din kahit papano. Hay naku... balik labas kami. Tapos presentation na ng Mutya at Ginoong AMA candidates. Una eh naka-toga sila. Sabay tanggal. Nakaw naman ang mga lalaki sa audience. Hiyawan. Ui, si Chris. Hehehehe... taba niya. Chubby pala. Hehehe... Ayun, nakisingit nalang kami sa madla para manuod. Tapos pinalabas na din kami. Badtrip. Gabing-gabi na. So we decided to go home. Nakaw!! Hindi pa ako nakakapagpalit ng pants ko. Punta ako sa CR. Badtrip talaga at naulan pa rin nun. Pero pauwi na naman yun. Wala na din problema sa'kin. Buti nalang talaga at pinayuhan ako ni mama na magdala ng payong. Hahahaha... hindi na namin natapos yung program. nung pag-uwi ko nanghihinayang ako kasi hindi ko napanuod si Sir Nino sa Celebrity Duets. Hay...


Nakauwi na ako mga past 8pm. Nag-GM si Robin... si Sir Nino daw panalo sa Celebrity Duets. Buti nalang... hehehehe... Ayun.












Bottom line is... wala gaanong nangyari but masaya naman. Hehehehe... maulit ulit sana ito. until the next Foundation Week ulit!!




-tapos.

No comments: