Friday, November 30, 2007

FoundationWeek :: AMA Cavite Campus :: 2nd day

Wednesday :: November 28, 2007

OMG!! OMG!! Ano isusuot ko for the contest? Sabi daw Sunday dress... ayoko mag-palda... hello?! Oo nga pala... ngayon na pala yung Room Decoration namin!! Meron na ba silang nabili na ipapang-decorate sa room? Bahala na... Dadalhin ko pa kaya itong mga Christmas Decors ko? 'wag nalang... pampabigat ng gamit... ~~ Those things ran through my mind early that morning.


I was already in school at around 9am, panting. I'm that kind of person na parang 'naglalakad sa ilalim ng buwan'... you already know that. Ayun, nakita ko na yung iba na nagde-decorate ng room. SHIT!! The biggest 'shit' I've ever seen... maybe for now... hahahaha!! Ma'am Jurado was there! Que barbaridad! Okay... calm down... basta I'll keep my cool down, and be a good girl. Hahahaha!! I managed to get through it naman. OMG!! I nearly forgot!! Today's the big event (for me)... the Videoke Challenge. Pinauna ko na muna si Erik to check if they've already started. Nakaw!! Nagstart na nga ang program. Takbo!! Takbo pababa... pababa... papunta sa court... at... dulas. SHIT!! Kakahiya.......... ang daming tae... este... TAO!! Phew... sige nangyari na eh... lakad lang... okay, nagstart na kami. Ui, sina Elaine, Amira, at... Angelica? Pati si Kuya Jp... hehehe... Oo nga pala, lumarga pala ang barkada para maghanap ng mabibilhan ng pang-decorate sa room. Okay... kanta lng kayo... sige... uhmm... Danei... Daneika Miraflor... Daneika Miraflor ~~silence~~ WAAAH!! Ako na pala yung tinatawag, I'm dead. No choice eh, sige hanap nalang ako ng pwedeng kantahin. Maganda sana yung 'pangako'... pero ewan ko ba kung bakit ko pinili yung 'alapaap' ng Eraserheads. Okay. I'm an E-heads fan. Pero sa isip ko... I don't think this is a good song to sing. Eh parang minamadali pa ako nung in-charge dun... sige na nga yun nalang... come what may... Okay, turn ko na. Pa ra pap pap... Gusto mo bang... shocks!! I completely suck!! I hate myself!! Ma'am, can I have a take 2? I mess it all up, please?! Just give me one more shot... one more chance! I completely forgot it... there's no second chances here. Okay, I know I'm not gonna enter the finals, I can feel it. Although I'm really dead set on winning this contest because I don't know why I wasn't in the finals of the last singing contest, or was it just because I haven't been defeated in those contests that I've been? I am really fooling myself now. Ahahaha!! Soundtrip nalang ako. Hay... meron talagang masamang side ang tao... buti nalang andun ang barkada nakaupo sa may stairway to heaven. Hahahaha... Jhe, hiram ko muna yung mp3 ko ah? Baliw talaga ako... hinihiram ko sa kanya eh akin yun... ang gago talaga... Anyway, si Gerald kumanta. Wow. Period. Wow talaga. Galing. Tapos, si Ate CSCI02 classmate. Awtz... astig niya kumanta. Ang galing. Oh, kumakanta na pala si Erik, hindi ko man lang alam yung kanta. Ah... 'Don't Speak' nga pala yung title, sinabi na niya kanina. Hehehe... Ayun, akyat na nga ako... grabe uhaw na uhaw na ako nun. Wow!! Ang ganda na ng room. (sayang wala akong nakuha na pictures sa sobrang excite... wala nga din pala akong dalang camera noon) Anyway, grabe, ang ganda na talaga ng room. At ang busy nilang lahat. Naisipan ko nang tumulong ng konti. Ayos lang ng ayos... hanggang sa malapit na matapos yung pag-decorate ng room. I'm in awe. Wow. This is nice. Although I haven't seen some of the room decors of the other sections... naisip ko na we will definitely win this contest. Ayun, hanggang sa nagpunta si Mrs. Egenias sa room namin to say na malapit ng mag-time. OMG!! Bilisan na natin 'to!! Dikit dito, dikit doon. Lagay dito, lagay doon. Badtrip pa nga yung iba naming mga classmates, kinuha pa yung food na nasa table. Wala namang ginawa. Phew. Sa wakas... tapos na din. Labas kami fter ng pag-decorate. Tapos nagpunta kami sa mga rooms para makita yung pag-decorate nila. Wow. Galing nung sa mga Halloween ang theme. Sana nga yun nalang din ung theme namin, mas madaling gawan yun. Gala lang kami. May mga ibang room na Halloween ng theme na hindi gaano nakakatakot... pero dun talaga sa may Mezzanine... SHIT!! Kakatakot talaga!! Parang haunted house ang dating. HUWAW!! Teka... bago yun, nasa third floor pa kami nung nagyaya si Amira na dun daw sa may Mezzanine. Baba naman kami. Wow! Dun palang sa may pintuan eh kakatakot na talaga. Naunang pumasok sila Amira at Flor. Una hindi pa maingay sa loob... ng biglang... 'AHHHH!!' Amp... si Amira yun ah. Grabe ang tapang tapang tapos hihiyaw lang pala sa loob. Takot tuloy si Angelica, ayaw na sumama sa loob. Tapos sunod sila Regine at Jerome. Hahaha!! Ang hiyaw nga naman. Tapos sunod kami nila RM at Denver. Nakaw ang Denver!! Nakakapit na sa likod ko. At ako naman nakakapit sa likod ni RM. Para kaming tren. Hindi pa kami nakakalakad nun nang pumasok si Robin. Wow... apat na tayo dito sa loob. Sige Robin, 'kaw na mauna... Nauna na nga si Robin, habang ako nakakapit pa rin sa likod ni RM, nakapikit. Si Denver naman sigaw ng sigaw habng nakakapit sa'kin. Pero hindi naman yung sigaw na tipong natatakot, pero yung tipo na nananakot. Hahaha. Hanggang sa makaabot kami sa Exit door. Nakaw naman. Napamulat ako doon, kakatakot talaga, pati mga make-up nila. Ang galing. Naisip ko, baka ito manalo, pero 'di ba 'Room Decoration', hindi naman kailangan gawing parang haunted house ang room. Weh... pakialam ko ba? Hindi naman ako judge. Sige na nga, kain na tayo. Hy naku, Jollibee na naman. Parang kahapon lang ah. Hahaha. Hindi na sa'min sumabay si Jerome. Hehehe. After kumain balik na din kami sa school. Nakaw... kinuha na ng mga matatakaw ang pagkain sa table at inuwi. Akyat tuloy kami ng room. Sige na nga... kainin na natin ito. Nakita ko na sila RM nag-aayos ng room. Nakaw... ang Jurado!! Andiyan na!! Nagalit ang loka... bakit daw agad niligpit yung mga room decors. Hahahaha!! Takbo ako ng CR... katakot kasi ang Jurado. Ang ganadong RM naman kasi, nagligpit agad. Sabi naman niya, si Clemente ang nagpasimula. Hay naku... ang Jurado naman... raging fury. Hahahahaha!! Astig ang drama nila. Oh well........


Okay, umuwi na yung mga iba. Sinamahan namin sila Sir Cris sa car ni Kuya Jp... ayun, sabay nakisama na din sa car para ihatid sila Sir Cris sa house nila. Hehehehe. Parang joyride lang. Astig. Sharing ng mga kwento tungkol sa buhay-buhay... hanggang sa makarating sa AMA. Lang'ya sila. Iniwanan kami. Boohoo T_T Pero okay lang naman. Andun pa sila Edgar, Ren, Jummel, at Robin. Hehehehe. Oo nga pala, may Acoustic Nights na magaganap. Wow naman, tutugtog sila. Time after Time yung song na kakantahin ni Edgar. Nice, can't wait to hear Edgar sing. Sabi kasi may banda siya (?) kaya gusto ko marinig ng LIVE ang mala-Chicosci na boses ng Edgar. Hahahaha!! Ui... sila Cielo. Yung classmate namin sa MATH04. Naggigitara nga pala yun. Nakita ko siya once nung Euthenics namin, dun siya sa likod mag-isa habang naggigitara. Oh well... hangang-hanga talaga ako sa mga magagaling maggitara. Lalo na yung mga plucking ppl... OHWEMJI!! Naiinggit ako! Hahahaha!! Anyway, andun sila malapit sa'min. May mga kasama siya, tutugtog ata sila sa Acoustic Nights. Nice naman, maririnig ko si Ate Maggi ng live... wahahahahaha!! The last thing I knew is... andun na siya sa tabi ni Ren... nagpapaturo ng... watchacalldat... nalimutan ko na, basta parang may kinalaman sa gitara. Ay! hindi pala 'parang'... may kinalaman talaga. Wow... Galing din pala ni Ren... hindi lang magaling... magaling na magaling!! Waaaah!! Parang gusto ko magpaturo sa kanila. Boohoo T_T Anyway... mabait pala si Ate Maggi... Ayun. Nakaw, at nagbalak pa mag-back out ng Edgar. Hehehe... hanggang sa nagbalak na mag-merge ng dalawang banda. Naggabi na. Lapit na ang big event!! Amp... ngayon na din pala yung Final Showdown sa Videoke Challenge. Oo nga pala, ang Celebrity Duets nila. Yung mga teachers makikiduet sa mga estudyante ng AMA. At kasali nga pala si Sir Nino. Si Sir Nino lang naman... ang... wahahaha!! I admit... cute siya. OMG!! Hahahahaha... siya nga inaabangan namin nila Regine at Angelica besides AC's representatives' performance sa Acoustic Nights. Nauna muna ang Videoke Challenge. As usual, magaling sila Gerald at Ate CSCI02 classmate. Palakpakan. Hanggang sa matapos ang contest. Next is Acoustic Nights B2B with Celebrity Duets. Pang-apat pala magpeperform sila Edgar. Ayun. Natuloy na ang pag-merge ng dalawang banda. After ng isang band magperform ina-announce muna kung sino ang nanalo sa Videoke Challenge. Amp... 1st place lng si Ate CSCI02 classmate. Sayang... tapos, kumanta si Ms. Librarian for Celebrity Duets. Kaduet niya si Gerald. Wow!! Galing ni Ms. Librarian kumanta. Grabe panira yung mic na gamit ng Gerald, although maganda ang boses niya, badtrip lang talaga yung mic. Hanggang sa natapos sila kumanta. Palakpakan. Perform. Perform. Hanggang sila Edgar at Ate Maggi na. Wow. Palakpakan kami nila Regine, Angelica, at Robin. Oops... teka... parang may problema sila. Bakit ang tagal nila mag-ayos ng mga gamit nila? Hanggang sa nilamon kami ng dilim. Lang'ya!! Bakit nag-black out ang school?! Teka bakit NCST may ilaw?! Gago yung mga nagpatay nun ah!! Nakaw naman at ang ingay ng mga estudyante sa labas. Kesyo madilim. Nakaw. Hanggang sa naayos na yung kuryente. Waah!! Saan na sila? Hindi na ba sila magpeperform? Bakit tinatawag na yung ibang banda? Ayun. Nagpunta si Edgar sa may inuupuan namin. Sabi niya hindi na daw sila tutgtog. Sinira ni Jericho yung tono ng gitara kaya daw natagalan sa pag-aayos. Waaah!! Badtrip kang Limpin ka!! Mapapatay kita!! Shit!! Ayun... tugtugan... palakpakan. Ui, naambon. Punta tayo sa kanila. Dali. Naisip ko tuloy baka sa library ituloy yung event. 'wag naman sana. Hayy... sayang talaga hindi sila nakatugtog. yun. Usap-usap nalang kami sa shed habang naulan. But the show must go on, ika nga. tugtog ang banda sa isang shade dun. Palakpakan. Hanggang sa tumila ng konti ang ulan... hanggang sa ambon nalang... hanggang sa mawala. Nakaw!! Si Sir Nino na kakanta. Hiyawan ang lahat. Shit!! The Gift yung kakantahin. Galing naman!! Hiyawan ulit. Start na. Sa first part kumanta yung ka-duet ni Sir, hanggang sa banda chorus biglang labas si Cagas. Whoooo!!! Hiyawan!! Palakpakan!! Ang galing. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na kiligin, tulad ng ibang mga tao dun. Hahahaha!! Sabi namin pagkatapos ni Sir Nino eh uwi na kami. Ayun. Natapos na din si Sir. Tapos alis na din kaming mg natirang AC dun.




........ well... first eh yung sayaw... then yung Room Decoration. Grabe, I'm still in awe. Hindi ako makapaniwala. Okay, time for me to go. Saka na ang final part nito. Cheerio!!


~tapos :)

No comments: